Book Report: Ikigai: The Japanese Secret to a Long and Happy Life by Héctor García and Francesc Miralles
I started reading Ikigai around two months ago. Konti lang naman yung pages niya, pero natagalan akong tapusin dahil marami rin akong ibang librong gustong basahin. Kahit matagal ko siyang natapos, marami pa rin akong natutunan at may ilang concepts na talagang na-apply ko sa sarili ko.
From what I understood, ikigai is your reason for living or your purpose in life. Hindi lang siya tungkol sa paghahanap ng passion mo, pero kung paano mo ito masusustain, paano ka magiging masaya habang ginagawa mo ito, paano ka magiging resilient, at kung paano ito magiging bahagi ng buhay mo. Kasabay nito, ipinakita rin ng book kung paano nakakatulong ang Japanese lifestyle sa pagkakaroon ng mahaba at meaningful na buhay.
Isa sa mga bagay na hindi masyadong nag-resonate sa akin ay yung lifestyle mismo ng mga Japanese centenarians. Ang focus nila ay gentle and consistent movements tulad ng tai chi, yoga, gardening, at walking kaysa sa intense workouts. Malaki rin ang value nila sa community at sinusunod nila ang hara hachi bu, o yung pagtigil kumain kapag nasa around 80% full na sila.
Gets ko naman yung principle nila, pero personally iba yung approach ko. Instead of simply eating less calories, mas gusto kong kumain ng balanced at healthy habang nag-eenjoy pa rin sa food. Consistent din akong mag-workout through weightlifting, bodyweight exercises, at running. Iba man yung implementation ko, pareho pa rin naman yung principle: stay active, eat responsibly, at magkaroon ng sustainable lifestyle.
Ang pinaka nagustuhan kong topics sa book ay flow, logotherapy, healthy lifestyle, at siyempre ikigai mismo.
Pinakamalaki ang naging impact sa akin ng flow. Tinuro nito yung importance ng doing one thing at a time, at sobrang nag-connect ito sa experience ko sa programming.
Ngayon kasi, AI-assisted programming na ang mas efficient kaysa manual coding. Marunong pa rin naman akong magsulat ng code manually, pero mas mabilis talaga kapag gumagamit ng AI. Ang problem lang, habang naghihintay ako matapos mag-generate ng code ang AI, napapascroll ako sa social media, nanonood ng videos, o minsan naglalaro pa. Doon nawawala yung flow ko dahil napuputol yung focus.
After reading the book, iba na yung ginagawa ko. Instead na lumipat sa ibang activity, ginagamit ko yung waiting time para mag-review ng generated code, mag-QA ng system, mag-test ng application flow, o gumawa ng security testing. Dahil nasa parehong context pa rin ako, hindi nawawala yung focus ko at mas mabilis akong makatapos ng trabaho.
Napansin ko rin na kapag nasa flow ako, aware ako sa sarili kong proseso. Lagi kong tinatanong yung sarili ko kung tama ba yung ginagawa ko, efficient ba yung approach ko, at may mas magandang paraan pa ba. Similar siya sa metacognition, pero gumawa ako ng sarili kong mental model na tinatawag kong “meta working.” Wala naman talagang ganung term, pero mas madali ko siyang maintindihan at tandaan gamit yung sarili kong definition. Ganito rin kasi ako matuto sa programming—mas madali kong naaalala ang concepts kapag may sarili akong mental models.
Isa rin sa mga pinaka nagustuhan kong concepts ay logotherapy. Unlike psychoanalysis na madalas nakatingin sa past para hanapin ang root cause ng emotions, ang logotherapy ay mas nakafocus sa present at sa meaning na pwede mong ibigay sa sitwasyon mo.
Yung example sa book tungkol sa isang lalaking namatayan ng mahal sa buhay ang talagang tumatak sa akin. Tinanong siya ng therapist, “Do you think she would also feel devastated if ikaw ang naunang namatay?” Nagalit pa nga siya at sinabi niyang, “Of course.” Pagkatapos, sinabi ng therapist na sa pag-survive niya, nailigtas niya yung taong mahal niya sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi nito inalis yung grief, pero nabigyan nito ng meaning yung suffering niya, kaya mas naging bearable ito. Doon ko mas naintindihan yung essence ng logotherapy.
Napaisip din ako kung ano ba talaga ang sarili kong ikigai. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam. Marami akong gustong gawin. Gusto kong matuto hanggang sa huling hininga ko, gusto kong magturo, at gusto kong tumulong sa ibang tao.
Kung pipili ako ng pinakamalapit sa ikigai ko ngayon, siguro helping others.
Napansin ko kasi na nag-aaral ako para makapagturo, at ang pagtuturo ay isa ring paraan ng pagtulong. Madalas din may mga lumalapit sa akin para humingi ng opinion, magtanong kung paano gawin ang isang bagay, o humingi ng ideas. Isa pa sa napansin ko sa sarili ko ay madali akong makapag-connect ng concepts mula sa iba’t ibang fields. Halimbawa, nakakakita ako ng connection between mathematics at programming, o minsan naman concepts mula sa ibang subjects na pwede palang i-apply sa software development. Feeling ko, baka bahagi rin ito ng purpose ko.
Ang hindi ko lang masyadong nagustuhan sa book ay sobrang daming stories. Na-appreciate ko naman yung pagkuwento nila tungkol sa pagpunta nila sa Japan, sa mga centenarians, sa pagkain, at sa culture nila. Madali ko ring na-visualize yung journey nila. Pero ang objective ko kasi habang binabasa yung book ay matuto ng concepts na pwede kong i-apply agad sa sarili ko. Kaya para sa akin, medyo mas marami yung stories kaysa sa practical lessons.
Overall, nagustuhan ko talaga ang Ikigai. Hindi ko man susundin lahat ng Japanese lifestyle na nasa book, marami pa rin akong principles na na-apply sa sarili kong buhay, lalo na yung tungkol sa flow, meaningful work, at finding purpose. Hindi ako mahilig magbigay ng numerical ratings sa books. Mas gusto kong magbigay ng feedback, at para sa akin, successful yung book dahil hindi lang siya nagturo ng bagong concepts—napaisip din niya ako kung paano ko ia-apply ang mga ito sa sarili kong buhay.